Proverbs 30:14
sila ang isang salinlahi na ang mga ngipin ay mga espada, at kanilang mga panga ay mga kutsilyo, para lapain nila ang mahirap mula sa lupa at ang nangangailangan mula sa sangkatauhan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 29:17Binasag ko ang mga panga ng masama; hinalbot ko ang biktima mula sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.
Psalms 3:7Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama.
Psalms 12:5“Dahil sa karahasan laban sa mahirap, dahil sa mga daing ng nangangailangan, ako ay babangon,” sinasabi ni Yahweh. “Magbibigay ako ng kaligtasan na kanilang hinahangad.”
Psalms 52:2Nagbabalak ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa.
Psalms 57:5Maitanghal ka, O Diyos, sa taas ng kalangitan; nawa ang iyong kaluwalhatian ay maitaas pa sa buong mundo.
Proverbs 12:18Ang mga salitang padalos-dalos ay tulad ng saksak ng isang espada, pero ang dila ng matalino, kagalingan ang dinadala.