Proverbs 30:27
Ang mga balang ay walang hari, pero lahat sila ay lumalakad ng maayos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The locusts have no king, yet go they forth all of them by bands;
In Context
Cross References
Exodus 10:13Iniunat ni Moises ng kaniyang tungkod sa buong lupain ng Ehipto, at nagdala si Yahweh ng silangang hangin sa lupain sa buong araw na iyon at sa buong gabi. Kinaumagahan, nagdala ang silangang hangin ng mga balang.
Exodus 10:15Tinakpan nila ang ibabaw ng buong lupain sa gayon nagdilim ito. Kinain nila ang bawat halaman na nasa lupain at ang lahat ng bunga ng mga punongkahoy na natira ng ulang may yelo. Walang natirang buhay na berdeng halaman o anumang punongkahoy o halaman sa mga bukid sa lahat ng lupain ng Ehipto.
Joel 1:4Ang iniwan ng napakaraming nagliliparang balang ay kinain ng mga malalaking balang, ang iniwan ng mga malalaking balang ay kinain ng mga tipaklong, at ang iniwan ng mga tipaklong ay kinain ng mga uod.
Joel 2:7Tumatakbo sila na gaya ng malalakas na mandirigma at inaakyat nila ang mga pader na gaya ng mga kawal; nagmamartsa sila, ang bawat isa sa kani-kaniyang hakbang at hindi sila humihiwalay sa kanilang mga hanay.
Joel 2:25“Ibabalik ko sa inyo ang mga taon ng mga pananim na kinain ng napakaraming nagliliparang mga balang, ng mga malalaking balang, ng mga tipaklong, at ng mga uod, ang aking malakas na hukbo na aking ipinadala sa inyo.