Proverbs 31:4
Hindi ito para sa mga hari, Lemuel, hindi para sa mga hari ang uminom ng alak, ni para sa mga namumuno ang magtanong, “Nasaan ang matapang na inumin?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
It is not for kings, O Lemuel, it is not for kings to drink wine; nor for princes strong drink:
In Context
3Huwag mong ibigay ang lakas mo sa mga babae, o ang mga kaparaanan mo sa mga naninira sa mga hari.
Cross References
Leviticus 10:9“Huwag uminom ng alak o matapang na inumin, ikaw, ni ang iyong mga anak na lalaki na natitirang kasama mo, para kapag pumasok ka sa tolda ng pagpupulong hindi kayo mamatay. Ito ay permanenteng batas sa buong salinlahi ng iyong mga mamamayan,
1 Kings 20:12Narinig ni Ben Hadad ang mensaheng ito habang sila ay nag-iinuman, siya at ang mga hari sa ilalim niya na nasa kanilang mga tolda. Inutusan ni Ben Hadad ang kaniyang mga tauhan, “Ihanay ninyo ang inyong mga sarili sa pakikidigma.” Kaya inihannda nila ang kanilang sarili sa pakikidigma para lusubin ang lungsod.
Esther 1:10Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
Proverbs 20:1Ang alak ay mangungutya at ang matapang na inumin ay basag-ulero; ang sinumang naliligaw sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi matalino.
Ecclesiastes 10:17Ngunit masaya ang lupain kapag ang hari ay anak ng mga maharlika, at kumakain ang mga pinuno ninyo kapag oras na ng kainan at ginagawa nila iyon para lumakas, hindi para sa paglalasing!
Isaiah 28:7Pero kahit na ang mga ito ay humahapay-hapay sa alak, at nagpapasuray-suray sa inuming matapang. Ang pari at ang propeta ay humahapay-hapay sa malakas na alak, at nalululon sila ng alak. Nagpapasuray-suray sila sa malakas na alak, nagsusuray-suray sa pangitain at humahapay-hapay sa pagpasya.