Proverbs 5:12
Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And say, How have I hated instruction, and my heart despised reproof;
In Context
11Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok.
13Hindi ako sumunod sa aking mga guro o nakinig sa aking mga tagapagturo.
Cross References
Genesis 19:9Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
2 Chronicles 24:20Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'”
2 Chronicles 33:10Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan.
Psalms 50:17gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
Proverbs 1:7Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman - ang mga hangal ay kinamumuhian ang karunungan at disiplina.
Proverbs 1:25Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.