Proverbs 8:17
Mahal ko silang mga nagmamahal sa akin, at silang mga masisipag na humahanap sa akin ay matatagpuan ako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I love them that love me; and those that seek me early shall find me.
In Context
18Nasa akin ang mga kasaganaan at karangalan, walang maliw na kayamanan at katuwiran.
Cross References
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
Proverbs 1:28Pagkatapos sila ay tatawag sa akin at hindi ako sasagot; desperado silang tatawag sa akin, ngunit hindi nila ako mahahanap.
Isaiah 45:19Ako ay hindi nagsalita ng palihim, sa mga tagong lugar; hindi ko sinabi sa lahi ni Jacob, 'Hanapin ninyo ko ng walang katuturan!' Ako si Yahweh, ay nagsasalita ng totoo; inihahayag ko ang mga bagay na matuwid.
Matthew 6:33Sapagkat hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran at ang lahat na ito ay maibibigay sa inyo.
Mark 10:14Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, “Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos.
John 14:21Ang sinuman na mayroon ng aking mga kautusan at isinasagawa ang mga ito; siya ang nagmamahal sa akin; at siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kaniya ang aking sarili.”