Mga Awit 1:2
Pero ang kaniyang kagalakan ay nasa batas ni Yahweh, at sa kaniyang batas, nagbubulay-bulay siya araw at gabi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But his delight is in the law of the LORD; and in his law doth he meditate day and night.
In Context
Cross References
Joshua 1:8Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
Job 23:12Hindi ko tinalikuran ang mga kautusan ng kaniyang mga labi; iningatan ko sa aking puso ang mga salita ng kaniyang bibig.
Psalms 88:1Yahweh, Diyos ng aking kaligtasan, araw at gabi akong umiiyak sa iyo.
Psalms 112:1Purihin si Yahweh. Mapalad ang tao na sumusunod kay Yahweh, na siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga kautusan.
Psalms 119:11Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso para hindi ako magkasala laban sa iyo.
Psalms 119:35Gabayan mo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil nasisiyahan akong lumakad dito.