Mga Awit 103:9
Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
He will not always chide: neither will he keep his anger for ever.
In Context
Cross References
Psalms 30:5Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
Isaiah 57:16Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
Jeremiah 3:12Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.
Micah 7:18Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.