Mga Awit 107:34
Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
A fruitful land into barrenness, for the wickedness of them that dwell therein.
In Context
33Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal:
35Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
Cross References
Genesis 13:10At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa Zoar, bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.
Genesis 14:3Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (na siyang Dagat na Alat).
Deuteronomy 29:23At ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin, at sunog, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit;
Isaiah 32:13Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:
Jeremiah 12:4Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.
Ezekiel 47:11Nguni't ang kaniyang mga dakong maburak, at ang mga lumbak niyaon, ay hindi mapapagaling; magiging asinan nga.