Mga Awit 109:20
Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
19Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
Cross References
2 Samuel 17:23At nang makita ni Achitophel na ang kaniyang payo ay hindi sinunod, kaniyang siniyahan ang kaniyang asno, at bumangon, at umuwi siya sa bahay, sa kaniyang bayan at kaniyang inayos ang kaniyang bahay, at nagbigti; at siya'y namatay, at nalibing sa libingan ng kaniyang ama.
1 Kings 2:44Sinabi pa ng hari kay Semei, Iyong talastas ang buong kasamaan na nalalaman ng iyong puso, na iyong ginawa kay David na aking ama: kaya't ibabalik ng Panginoon ang iyong kasamaan sa iyong sariling ulo.
Psalms 2:12Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Psalms 40:14Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak: Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan.
Psalms 94:23At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
Psalms 110:5Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot.