Mga Awit 127:5
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
4Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan.
Cross References
Job 1:2At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
Job 42:12Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
Proverbs 27:11Anak ko, ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso, upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.