Mga Awit 14:4
Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan? na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
5Doo'y nangapasa malaking katakutan sila: sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
Cross References
Job 21:15Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
Psalms 27:2Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
Psalms 82:5Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
Proverbs 30:14May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
Isaiah 27:11Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
Isaiah 44:19At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?