Mga Awit 2:9
Wawasakin mo sila gamit ang isang bakal na setro; dudurugin mo sila tulad ng isang banga ng magpapalayok.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Thou shalt break them with a rod of iron; thou shalt dash them in pieces like a potter’s vessel.
In Context
10Kaya ngayon, kayong mga hari, maging maingat; magpatuwid kayong mga namamahala sa mundo.
Cross References
Psalms 89:23Dudurugin ko ang mga kaaway niya sa kaniyang harapan; papatayin ko ang mga namumuhi sa kaniya.
Isaiah 30:14Babasagin niya ito na parang ang sisidlan ng isang magpapalayok na nabasag; hindi niya ititira ito, kung kaya't walang matatagpuan sa mga piraso nito ng isang matalas na piraso na maaaring gamitin para kayurin ang apoy mula sa apuyan, o salukin ang tubig mula sa malaking imbakan ng tubig.
Jeremiah 13:14At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
Daniel 2:44Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.
Micah 5:8Ang mga natitira kay Jacob ay mapapabilang sa mga bansa, kasama ng maraming tao. Tulad ng isang leon na kasama ng mga hayop sa kagubatan, tulad ng isang batang leon na kasama sa mga kawan ng tupa. Kapag daraan siya sa kanila, sila ay kaniyang tatapakan at pagpipira-pirasuhin sila at walang sinuman ang makapagligtas sa kanila.
Revelation 2:26Ang isa na siyang nakalupig at siyang gumagawa ng mga ginawa ko hanggang sa huli, sa kaniya ko ibibigay ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga bansa.