Mga Awit 20:4
Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Grant thee according to thine own heart, and fulfil all thy counsel.
In Context
Cross References
1 Samuel 26:19Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kaniyang lingkod. Kung ang Panginoon ay siyang nagudyok sa iyo laban sa akin, ay tumanggap siya ng isang handog: nguni't kung ang mga anak ng tao, sumpain sila sa harap ng Panginoon; sapagka't sila'y nagpalayas sa akin sa araw na ito upang huwag akong magkaroon ng bahagi ng mana sa Panginoon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, maglingkod ka sa ibang mga dios.
2 Chronicles 9:12At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa, anomang hiningi niya, bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari. Sa gayo'y siya'y bumalik, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya at ang kaniyang mga lingkod.
Psalms 37:4Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
Proverbs 11:23Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot.
John 11:42At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
Romans 8:27At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.