Psalms 21:4
Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya; binigyan mo siya ng mahabang buhay magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
He asked life of thee, and thou gavest it him, even length of days for ever and ever.
In Context
Cross References
1 Kings 2:33Kaya nawa ang dugo nila ay bumalik sa ulo ni Joab at sa ulo ng kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Pero kay David at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at kaniyang sambahayan, at sa kaniyang trono, nawa'y magkaroon ng kapayapaan mula kay Yahweh magpakailanman.”
2 Kings 11:12Pagkatapos inilabas ni Jehoiada si Joas ang anak ng hari, ipinatong ang korona sa kaniya, at ibinigay sa kaniya ang tipan ng mga utos. Ginawa nila siyang hari at pinahiran siya ng langis. Nagpalakpakan sila at sinabing, “Mabuhay ang hari!”
Psalms 16:10Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay.
Psalms 72:17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
Psalms 89:36ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
Psalms 119:77Kahabagan mo ako para mabuhay ako, dahil ang batas mo ang kasiyahan ko.