Psalms 21:7
Dahil ang hari ay nagtitiwala kay Yahweh; sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan siya ay hindi matitinag.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For the king trusteth in the LORD, and through the mercy of the most High he shall not be moved.
In Context
Cross References
1 Samuel 30:6Labis na namighati si David, sapagkat nag-uusap ang mga tao tungkol sa pagbato sa kanya, dahil ang mga espiritu ng lahat ng tao ay nagdadalamhati, bawat tao para sa kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae; subalit pinalakas ni David ang kanyang sarili kay Yahweh, na kanyang Diyos.
Psalms 13:5Pero nagtiwala ako sa katapatan mo sa tipan; ang aking puso ay nagagalak sa iyong kaligtasan.
Psalms 18:2Si Yahweh ang aking bato, ang aking tanggulan, ang siyang nagdadala sa akin sa kaligtasan; siya ang aking Diyos, ang aking bato; sa kaniya ako kumukubli. Siya ang aking kalasag, ang tambuli ng aking kaligtasan, at ang aking muog.
Psalms 26:1Hatulan mo ako, Yahweh, dahil lumakad ako nang may dangal; Nagtiwala ako kay Yahweh nang walang pag-aalinlangan.
Psalms 61:4Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah
Psalms 72:17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.