Mga Awit 3:8
Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. Selah
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Salvation belongeth unto the LORD: thy blessing is upon thy people. Selah.
In Context
Cross References
2 Samuel 23:12Pero tumayo si Samma sa gitna ng bukid at ipinagtanggol ito. Napatay niya ang mga taga-Filisteo at nagdala ng isang dakilang tagumpay kay Yahweh.
Psalms 29:11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kaniyang bayan; Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan.
Psalms 37:39Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; sila ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.
Psalms 72:17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
Proverbs 21:31Ang kabayo ay handa para sa araw ng labanan, ngunit kay Yahweh ang tagumpay ay nabibilang.
Isaiah 45:21Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.