Mga Awit 36:4
Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 19:11At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David, upang siya'y bantayan, at siya'y patayin sa kinaumagahan: at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David, na sinasabi, Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka.
Esther 6:4At sinabi ng hari, Sino ang nasa looban? Si Aman nga ay pumasok sa looban ng bahay ng hari, upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya.
Psalms 38:12Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
Psalms 97:10Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama.
Proverbs 24:2Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
Isaiah 65:2Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan, na lumalakad sa daang hindi mabuti, ayon sa kanilang sariling mga pagiisip;