Mga Awit 37:23
Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
The steps of a good man are ordered by the LORD: and he delighteth in his way.
In Context
Cross References
1 Samuel 2:9Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal; Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman; Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
Job 23:11Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko.
Psalms 40:2Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.
Psalms 85:13Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
Psalms 119:133Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
Psalms 121:8Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.