Mga Awit 44:3
Dahil hindi nila nakuha ang lupain para maging ari-arian nila sa pamamagitan ng sarili nilang espada; ni ang kanilang sandata ang nagligtas sa kanila; kundi ang iyong kanang kamay, ang iyong bisig at ang ningning ng iyong mukha, dahil sinang-ayunan mo sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4O Diyos, ikaw ang aking hari; pamahalaan mo ang tagumpay para kay Jacob.
Cross References
Exodus 15:16Ang kilabot at pangamba ay mapapasakanila. Dahil sa kapangyarihan ng iyong bisig, sila ay hindi iimik na parang bato hanggang sa makaraan ang iyong bayan, Yahweh— hanggang sa makaraan ang sinagip mong bayan.
Deuteronomy 4:37Dahil minahal niya ang inyong mga ama, pinili niya ang kanilang kaapu-apuhang kasunod nila, at dinala kayo palabas ng Ehipto kasama ng kaniyang presenya, kasama ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
Deuteronomy 8:17kung hindi, maaari ninyong sabihin sa inyong puso, 'Sa aking kapangyarihan at sa lakas ng aking kamay natamo ko ang lahat ng kayamanang ito.'
Joshua 3:10Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
1 Samuel 12:22Para sa kapakanan ng kanyang dakilang pangalan, hindi tatanggihan ni Yahweh ang kanyang mga tao, dahil nasiyahan si Yahweh na gawin kayong isang mga tao para sa kanyang sarili.
2 Chronicles 20:7Aming Diyos, hindi ba ikaw ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito bago ang bayan mong Israel upang ibigay ito magpakailanman sa mga kaapu-apuhan ni Abraham?