The Bible Software
bible.software › Mga Awit › Mga Awit 45 › Mga Awit 45:2

Mga Awit 45:2

Ikaw ay mas makisig kaysa mga anak ng tao; biyaya ay binuhos sa iyong mga labi; kaya alam namin na pinagpala ka ng Diyos magpakailanman.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Thou art fairer than the children of men: grace is poured into thy lips: therefore God hath blessed thee for ever.

In Context

1Nag-uumapaw ang aking puso sa mabuting paksa; babasahin ko nang malakas ang mga salita na aking isinulat tungkol sa hari; ang aking dila ang panulat ng isang manunulat na handa.

3Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.

Read all of Mga Awit 45

Cross References

Psalms 72:17Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.

Proverbs 22:11Ang siyang nagmamahal ng isang busilak na puso at ang salita ay magiliw, siya ay magiging kaibigan ng hari.

Song of Solomon 5:10Ang aking minamahal ay nagniningning at mamula-mula, namumukod tangi sa kalagitnaan ng sampung libo.

Isaiah 50:4Binigyan ako ng Panginoong si Yahweh ng dila na katulad ng mga marunong, kaya nagsasabi ako ng nakakatulong na salita sa napapagod; ginigising niya ako bawat umaga; ginigising niya ang tainga ko para makarinig tulad ng mga marunong.

Zechariah 9:17Magiging napakabuti at napakaganda nila! Uunlad sa trigo ang mga kabataang lalaki at mga birhen sa matamis na alak!

Luke 4:22Bawat isa sa kanila ay nasaksihan ang lahat ng kaniyang mga sinabi at lahat sila ay namangha sa mga mapagpalang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Sinasabi nila, “Ito ay anak lamang ni Jose, hindi ba?”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Mga Awit 45:2

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschCharles SpurgeonScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Mga Awit 45:1Mga Awit 45Mga Awit 45:3 →