Mga Awit 55:13
Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But it was thou, a man mine equal, my guide, and mine acquaintance.
In Context
14Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.
Cross References
2 Samuel 16:23Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel.
Psalms 41:10Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako para pagbayarin ko sila.
Micah 7:5Huwag magtiwala sa kahit na sinong kalapit bahay. Huwag magtiwala sa kahit na sinong kaibigan. Mag-ingat tungkol sa inyong sinasabi maging sa babaeng nakahiga sa inyong mga kamay.
Mark 14:44Ngayon, nagbigay na ng palatandaan ang magkakanulo sa kaniya, na nagsasabi, “Kung sino man ang hahalikan ko, siya iyon. Hulihin ninyo siya at bantayang mabuti sa pagdala ninyo sa kaniya.
Luke 22:47Habang siya ay nagsasalita, masdan ito, dumating ang maraming tao, kasama si Judas na isa sa Labindalawa na pinangungunahan sila. Lumapit siya kay Jesus upang siya ay halikan,