Mga Awit 65:13
Ang mga pastulan ay dinamitan ng mga kawan; ang mga lambak ay nababalutan ng butil; sumisigaw sila ng kagalakan, at sila ay umaawit.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 72:16Magkaroon nawa ng kasaganahan ng binhi sa tuktok ng mga kabundukan ng mundo; kumampay nawa sa hangin ang kanilang mga ani tulad ng mga puno sa Lebanon, at ang mga tao sa mga lungsod ay dumami gaya ng mga damo sa lupa.
Psalms 98:7Hayaang sumigaw ang dagat at ang lahat ng bagay sa loob nito, ang buong mundo at ang mga naninirahan dito.
Psalms 104:24Yahweh, kayrami at iba't iba ang iyong mga gawa! Ginawa mo ang lahat ng mga iyon nang may karunungan; umaapaw ang daigdig sa mga gawa mo.
Isaiah 30:23Ibibigay niya ang ulan para sa inyong binhi kapag maghahasik kayo sa lupa, at tinapay na masagana mula sa lupa. At magiging masagana ang mga pananim. Sa araw na iyon, ang inyong mga baka ay manginginain ng damo sa mga malawak na mga pastulan.
Isaiah 35:10Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Isaiah 49:13Umawit kayo, mga kalangitan, at magpakasaya ka, kalupaan; umawit kayo, mga bundok! Dahil inaaliw ni Yahweh ang kaniyang bayan, at mahahabag sa mga nasasaktan.