Mga Awit 7:4
Hindi ako kailanman gumawa ng mali sa mga taong may kapayapaan sa akin, o sinaktan nang walang katuturan ang mga laban sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 44:4Nang sila ay nakalabas sa lungsod subalit hindi pa nakakalayo, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala, “Tumayo ka, sundan mo ang mga lalaki, at kung maabutan mo sila, sabihin mo sa kanila, 'Bakit ninyo sinuklian ng kasamaan ang kabutihan?
1 Samuel 19:4Nagsalita ng magandang bagay si Jonatan patungkol kay David sa kanyang ama na si Saul at sinabi sa kanyang, “Huwag mong hayaang magkasala ang hari laban sa kanyang lingkod na si David. Sapagkat hindi siya nagkasala laban sa iyo, at nagdala ng kabutihan sa iyo ang kanyang mga gawa.
1 Samuel 22:14Pagkatapos sumagot si Ahimelec sa hari at sinabing, “Sino sa inyong lahat na mga lingkod ang pinakamatapat gaya ni David na manugang ng hari at nasa ibabaw ng iyong mga bantay at pinararangalan sa inyong bahay?
1 Samuel 24:10Ngayon nakita ng iyong mga mata kung paano ka inilagay ni Yahweh sa aking kamay nang nasa kuweba pa tayo. Sinabi ng ilan sa akin na patayin kita, ngunit kinaawaan kita. Sinabi ko, 'Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; dahil hinirang siya ni Yahweh.'
1 Samuel 25:28Pakiusap patawarin ang pagkakasala ng iyong lingkod, dahil tiyak na gagawan ni Yahweh ang aking panginoon ng isang bahay, dahil nakikipaglaban ang aking panginoon sa labanan ni Yahweh, at hindi makikita ang kasamaan sa iyo habang nabubuhay ka.
1 Samuel 26:21Pagkatapos sinabi ni Saul, “Nagkasala ako. Bumalik ka, David, anak ko, hindi na kita kailanman sasaktan, dahil natatangi ang aking buhay sa iyong mga mata ngayon. Tingnan mo, naging mangmang ako at lubusang nagkamali.”