Mga Awit 74:3
Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho, ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 22:39At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon: Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
Nehemiah 1:3At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.
Nehemiah 2:13At ako'y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.
Psalms 44:26Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.
Psalms 102:13Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
Isaiah 25:10Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.