Mga Awit 79:2
Ibinigay nila ang mga patay na katawan ng iyong mga lingkod bilang pagkain ng mga ibon sa himpapawid, ang mga katawan ng iyong tapat na bayan sa mga halimaw ng daigdig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:26Magiging pagkain ang inyong patay na katawan ng lahat ng mga ibon ng kalangitan at ng mga mababangis na hayop ng mundo; wala ni isang mananakot sa kanila papalayo.
Jeremiah 15:3Ito ang pahayag ni Yahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat. Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga aso ay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdig ay upang kainin at wasakin ang ilan.
Jeremiah 19:7Sa lugar na ito, gagawin kong walang saysay ang mga balak ng Juda at Jerusalem. Bubuwalin ko sila sa pamamagitan ng espada sa harapan ng kanilang mga kaaway at sa pamamagitan ng kamay ng mga naghahangad ng kanilang mga buhay. At ibibigay ko ang kanilang mga bangkay bilang pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.
Zephaniah 1:17Sapagkat magdadala ako ng pagkabahala sa sangkatauhan, upang lumakad sila na gaya ng mga bulag na tao sapagkat nagkasala sila kay Yahweh! Ibubuhos ang kanilang dugo na gaya ng alabok at ang kanilang mga lamanloob gaya ng dumi!