Mga Awit 82:8
Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Arise, O God, judge the earth: for thou shalt inherit all nations.
In Context
7Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
Cross References
Psalms 2:8Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
Psalms 12:5Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
Psalms 44:26Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.
Psalms 94:2Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
Psalms 102:13Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
Micah 7:2Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.