Mga Awit 85:2
Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. Selah
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Thou hast forgiven the iniquity of thy people, thou hast covered all their sin. Selah.
In Context
1Yahweh, nagpakita ka ng pabor sa iyong lupain; ibinalik mo ang kagalingan ni Jacob.
3Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
Cross References
Ezra 1:2Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea.
Psalms 78:38Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi sila winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.
Psalms 126:1Nang ibinalik ni Yahweh ang magandang kapalaran sa Sion, tulad kami nilang mga nananaginip.
Micah 7:18Sino ang Diyos na gaya mo, ikaw na nag-aalis ng kasalanan, ikaw na pinapalagpas ang mga pagkakasala ng mga natira ng iyong mana? Hindi mo pinapanatili ang iyong galit magpakailanman, dahil gustong-gusto mong ipakita sa amin ang iyong kasunduan ng katapatan.
Colossians 2:13noong kayo ay patay sa inyong mga pagkakasala at sa hindi pagkakatuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya at pinatawad tayong lahat sa ating mga paglabag.