Mga Awit 90:8
Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Thou hast set our iniquities before thee, our secret sins in the light of thy countenance.
In Context
7Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami.
Cross References
Leviticus 4:23Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan;
Job 10:14Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
Psalms 10:11Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
Psalms 50:21Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.
Psalms 109:15Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa.
Proverbs 5:21Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.