Mga Awit 91:13
Dudurugin mo ang mga leon at ulupong sa iyong mga paa; iyong yuyurakan ang mga batang leon at mga ahas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Itataas ka nila gamit ang kanilang mga kamay para hindi ka madulas at mahulog sa bato.
14Dahil matapat siya sa akin, ililigtas ko siya. Poproktetahan ko siya dahil matapat siya sa akin.
Cross References
1 Samuel 17:37Sinabi ni David, “Iniligtas ako ni Yahweh mula sa pangalmot ng leon at mula sa pangalmot ng oso. Ililigtas niya ako mula sa kamay ng Filisteong ito.” Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Humayo ka, at sumaiyo nawa si Yahweh.”
Psalms 58:4Ang kanilang kamandag ay katulad ng kamandag ng ahas; katulad sila ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga,
Daniel 6:22Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”
Luke 10:19Tingnan, binigyan ko kayo ng kapangyarihan na tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang makapananakit sa inyo sa anumang paraan.
Romans 3:13Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi.
2 Timothy 4:17Ngunit nanatili ang Panginoon sa akin at ako ay pinalakas upang sa pamamagitan ko, ang pagpapahayag ay ganap na matupad at upang marinig ng lahat ng mga Gentil. Sinagip ako mula sa bibig ng leon.