Mga Awit 98:2
Inihayag ni Yahweh ang kanyang kaligtasan; hayagan niyang ipinakita ang kanyang katarungan sa lahat ng mga bansa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 22:31Darating sila at ipapahayag ang kaniyang katuwiran; ipamamalita nila sa mga taong hindi pa naipapanganak kung ano ang kaniyang nagawa!
Isaiah 45:21Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.
Isaiah 46:13Aking inilalapit ang aking kabanalan; ito ay hindi malayo at ang pagliligtas ko ay hindi maghihintay; at Ibibigay ko ang kaligtasan sa Sion at ang aking kagandahan sa Israel.
Isaiah 52:7Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!”
Isaiah 62:2Makikita ng mga bansa ang inyong katuwiran, at ang inyong kaluwalhatian ng lahat ng mga hari. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan na si Yahweh ang pipili.
Matthew 28:19Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.