Pahayag 13:11
Pagkatapos nakakita ako ng isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Mayroon siyang dalawang sungay tulad ng tupa at nagsalita siya tulad ng isang dragon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 7:8Habang pinagmamasdan ko ang mga sungay, tumingin ako at nakita ko ang isa pang sungay na tumubo mula sa kanila, isang maliit na sungay. Tatlo mula sa mga sungay ang pinihit palabas sa kanilang mga ugat. Nakita ko sa sungay na ito ang mga mata na tulad ng mga mata ng tao at isang bibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.
Matthew 7:15Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo.
2 Corinthians 11:13Sapagkat ang mga ganoong tao ay hindi totoong apostol at mapanlinlang na mga manggagawa. Sila ay nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
Revelation 11:7Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin.
Revelation 12:17Pagkatapos sumiklab ang galit ng dragon sa babae at umalis para makipagdigma sa mga natitirang kaapu-apuhan niya - silang mga sumunod sa mga kautusan ng Diyos at pinanghawakan ang mga patotoo tungkol kay Jesus.
Revelation 16:13Nakita ko ang tatlong maruruming mga espiritu na tulad ng mga palaka na lumalabas mula sa bibig ng dragon, ng halimaw, at ng bulaang propeta.