Pahayag 19:20
At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 19:24Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;
Joshua 8:23At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
Psalms 11:6Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.
Isaiah 34:9At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
Ezekiel 38:22At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.
Daniel 7:7Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay.