Pahayag 19:4
At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, Siya nawa; Aleluya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
3At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.
Cross References
Nehemiah 5:13Ipinagpag ko naman ang aking laylayan, at ako'y nagsabi, Ganito ipagpag ng Dios ang bawa't tao mula sa kaniyang bahay, at mula sa kaniyang gawain, na hindi tumupad ng pangakong ito; sa makatuwid baga'y ganito ipagpag siya, at mahungkag. At ang buong kapisanan ay nagsabi, Siya nawa, at pumuri sa Panginoon. At ginawa ng bayan ayon sa pangakong ito.
Psalms 41:13Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan. Siya nawa, at Siya nawa.
Psalms 89:52Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.
Jeremiah 28:6Sinabi nga ng propeta Jeremias, Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.
Matthew 28:20Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Revelation 4:4At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.