Revelation 2:13
“Alam ko kung saan kayo nakatira — kung nasaan ang trono ni Satanas. Gayon man mahigpit ninyong pinanghahawakan ang aking pangalan at hindi ninyo itinanggi ang inyong pananampalataya sa akin, kahit sa mga araw ni Antipas na aking saksi, aking matapat, na pinatay sa inyong kalagitnaan, doon nakatira si Satanas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 10:23Kapag inusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo sa kabila, sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo matatapos na puntahan ang mga lungsod ng Israel bago dumating ang Anak ng Tao.
Luke 21:17Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan.
Acts 22:20Nang dumanak ang dugo ni Esteban na iyong saksi, nandoon ako na nakatayo at sumasang-ayon at binabantayan ko ang mga damit ng mga pumatay sa kaniya.
1 Timothy 5:8Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.
2 Timothy 2:12Kung magtitiis tayo, maghahari din tayong kasama niya. Kung ikakaila natin siya, ikakaila din niya tayo.
Hebrews 10:23Panghawakan ding mabuti ang paghahayag ng ating pananalig ng walang pag-aalinlangan, sapagkat ang Diyos na siyang nangako ay tapat.