Pahayag 2:20
Pero mayroon akong laban sa inyo: pinahihintulutan ninyo ang babaeng si Jezebel, na tinatawag ang sarili niyang isang propeta. Sa pamamagitan ng kaniyang katuruan ay nililinlang niya ang aking mga lingkod na gumawa ng mga sekswal na imoralidad at kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:15Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
1 Kings 16:31Bale wala lang sa kaniya ang paglakad sa yapak ni Jeroboam na anak ni Nebat, kaya ginawa niyang asawa si Jezebel na anak ni Etbaal, hari ng mga taga-Sidon; pumunta siya at sinamba si Baal at yumukod sa kaniya.
1 Kings 17:13Sinabi ni Elias sa kaniya, “Huwag kang matakot. Pumunta ka at gawin ang sinabi mo pero magluto ka muna ng maliit na tinapay at dalhin mo sa akin. At pagkatapos magluto ka na ng para sa inyo ng anak mo.
1 Kings 21:7Kaya sumagot ang kaniyang asawang si Jezebel, “Hindi ba't pinamumunuan mo pa rin ang kaharian ng Israel? Bumangon ka at kumain; hayaan mo ang iyong puso na magsaya. Kukunin ko ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel para sa iyo.”
2 Kings 9:7Dapat mong patayin ang pamilya ni Ahab na iyong panginoon, kaya ipaghihiganti ko ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat ng mga lingkod ni Yahweh, na pinatay sa pamamagitan ng kamay ni Jezabel.
Acts 15:20sa halip, sulatan natin sila na dapat silang lumayo sa karumihan ng mga diyus-diyosan, mula sa sekswal na imoralidad, at mula sa mga binigti at sa dugo.