Pahayag 2:22
Bantayan ninyo! Ihahagis ko siya sa isang banig ng karamdaman, at ang mga gumawa ng pangangalunya kasama niya sa matinding pagdurusa, malibang sila ay magsisi sa anumang ginawa niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 36:3Marahil, pakikinggan ng mga tao ng Juda ang lahat ng mga sakuna na nais kong dalhin sa kanila. Marahil, tatalikod ang bawat isa mula sa kaniyang masamang landas, kaya patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kanilang kasalanan.”
Ezekiel 18:30Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo.
Ezekiel 23:45Ngunit hahatulan sila ng mga lalaking matuwid sa kaparusahan ng pangangalunya at kaparusahan sa mga nagbubo ng dugo, mula noong nagkasala sila ng pangangalunya at nagkaroon ng dugo sa kanilang mga kamay.
Zephaniah 3:7Sinabi ko, 'Tiyak na matatakot kayo sa akin! Tanggapin ninyo ang pagtutuwid at hindi kayo maihihiwalay sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng binalak kong gawin sa inyo! Ngunit sabik silang magsimula tuwing umaga sa pamamagitan ng pagsira ng lahat ng kanilang mga gawain.
Luke 13:5Hindi, sinasabi ko. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo ay mamatay din.”
2 Timothy 2:25Dapat niyang turuan ang mga sumasalungat sa kaniya ng may kababaang-loob. Baka sakaling pagkalooban sila ng Diyos ng pagsisisi para sa pagkaalam sa katotohanan.