Revelation 21:23
Hindi na kailangan ng lungsod ang araw o ang buwan para liwanagan ito dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag dito, at ang kaniyang ilawan ay ang Kordero.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 2:19Pupunta ang mga tao sa mga kweba ng mga bato at mga butas ng lupa mula sa pagkatakot kay Yahweh, at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang karangyaan kapag tumayo siya para sindakin ang mundo.
Isaiah 24:23At ang buwan ay mahihiya, at ang araw ay mapapahiya, dahil si Yahweh ng mga hukbo ay maghahari sa Bundok Sion at sa Jerusalem, at sa harap ng kaniyang nakatatanda sa kaluwalhatian.
Habakkuk 3:3Ang Diyos ay nanggaling mula sa Teman, at ang Banal mula sa Bundok Paran! Selah. Tinakpan ng kaniyang kaluwalhatian ang mga kalangitan, at ang mundo ay puno ng kaniyang kapurihan.
Mark 8:38Kapag ikinahiya ako at ang aking salita ng sinuman sa mapangalunya at makasalanang salinlahing ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel.”
John 1:4Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan.
John 1:14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.