Revelation 21:7
Ang isa na manlulupig ay magmamana ng mga bagay na ito, at ako ay magiging kaniyang Diyos, at siya ay magiging anak ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
He that overcometh shall inherit all things; and I will be his God, and he shall be my son.
In Context
Cross References
1 Samuel 2:8Ibinabangon niya ang mahirap mula sa alabok. Itinataas niya ang mga nangangailangan mula sa tambak ng abo upang paupuin sila kasama ang mga prinsipe at manahin ang upuan ng karangalan. Sapagka't ang mga haligi ng mundo ay kay Yahweh at kanyang ipinatong sa kanila ang sanlibutan.
Isaiah 65:9Dadalhin ko ang mga kaapu-apuhan mula kay Jacob, at mula kay Juda ang mga magmamay-ari ng aking mga kabundukan. Ang aking mga pinili ay magmamay-ari ng lupain at doon maninirahan ang aking mga lingkod.
Matthew 19:29Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan.
Mark 10:17At nang simulan niya ang kaniyang paglalakbay, patakbong lumapit sa kaniya ang isang lalaki at lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?”
1 Corinthians 3:21Kaya wala ng magyayabang sa mga tao! Sapagkat lahat ng mga bagay ay sa inyo,
Hebrews 8:10'Sapagkat ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon,' sabi ng Panginoon. 'Ilalagay ko sa kanilang mga isipan ang aking mga tipan, at isusulat ko rin ang mga ito sa kanilang mga puso. Ako ang magiging Diyos nila, at sila ay aking magiging mga tao.