Pahayag 22:16
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:17Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
Zechariah 6:12At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;
Matthew 2:2Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.
Matthew 22:42Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.
Luke 1:78Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
Romans 1:3Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,