Pahayag 3:2
Gumising at palakasin ninyo ang natitira, pero malapit ng mamatay, dahil hindi ko natagpuan ang inyong mga gawa na ganap sa paningin ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 3:28Sa halip, atasan si Josue at palakasin ang loob at palakasin siya, dahil pupunta siya doon kasama ng mga taong ito, at siya ang magdudulot na mamana nila ang lupain na makikita mo.'
1 Kings 15:3Lumakad siya ayon sa mga kasalanan ng mga nauna sa kaniya; ang kaniyang puso ay hindi nakalaan kay Yahweh na kaniyang Diyos na tulad ng puso ni David, na kaniyang ninuno.
Job 4:4Inalalayan ng iyong salita ang mga nahuhulog, at ang mga nanlalambot na tuhod ay pinatigas mo.
Isaiah 35:3Palakasin ninyo ang mahihinang kamay, at patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.
Isaiah 57:12Ipapahayag ko ang inyong mga matuwid na gawain at sabihin ang lahat ng inyong mga nagawa, pero hindi nila kayo tutulungan.
Ezekiel 34:8Dahil buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—dahil ang aking kawan ay tinangay at naging pagkain ng lahat ng mga mababangis na hayop sa mga parang (dahil walang pastol at wala sa aking mga pastol ang humanap sa aking kawan, ngunit binantayan ng mga pastol ang kanilang mga sarili at hindi ang aking kawan ang ipinastol)—