Pahayag 4:8
Ang bawat isa sa apat na buhay na mga nilalang ay mayroong anim na mga pakpak, puno ng mga mata sa tuktok at sa ilalim. Gabi at araw hindi sila tumigil sa pagsasabing, “Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos, ang namumuno sa lahat, siyang noon, at siyang ngayon, at siyang darating.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:1Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, “Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid.
Psalms 91:1Siya na nananahan sa kanlungan ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Isaiah 13:6Umungol kayo, dahil papalapit na ang araw ni Yahweh; darating ito nang may pagwasak mula sa Makapangyarihan.
Isaiah 62:6Ako ay naglagay ng mga bantay sa inyong mga pader, Jerusalem; sila ay hindi nananahimik araw at gabi. Ikaw na patuloy na nagpapaalala kay Yahweh, huwag tumigil sandali.
Ezekiel 10:21Mayroon silang apat na mukha bawat isa at apat na mga pakpak, at ang pagkakahawig ng mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak;
Acts 20:31Kaya maging mapagbantay. Alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumigil sa pagtuturo sa inyo na may kasamang luha sa araw at gabi.