Pahayag 7:3
Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:4Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
Exodus 12:23Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
Isaiah 26:20Aking bayan, pumasok sa inyong mga silid at isara ang pinto; panandaliang magtago, hanggang ang galit ay lumipas na.
Isaiah 54:17Walang sandata na ginawa laban sa inyo ang magtatagumpay; at isusumpa ninyo ang lahat nang nagpaparatang sa inyo. Ito ang pamana ng mga lingkod ni Yahweh, at kanilang pagbibigay-matuwid mula sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 9:4Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Dumaan ka sa kalagitnaan ng lungsod, ang kalagitnaan ng Jerusalem, at gumawa ng isang palatandaan sa mga noo ng mga lalaking naghihinagpis at nagbubuntong-hininga tungkol sa lahat ng mga kasuklam-suklam na naganap sa kalagitnaan ng lungsod.”
Daniel 3:26Pagkatapos, lumapit si Nebucadnezar sa pintuan ng naglalagablab na pugon at tumatawag, “Shadrac, Meshac at Abednego, mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos, lumabas kayo! Halikayo rito” Pagkatapos, lumabas mula sa apoy sila Shadrac, Meshac at Abednego.