Romans 1:13
Ngayon hindi ko nais na hindi ninyo malaman, mga kapatid, na ilang ulit kong binalak na magpunta sa inyo, ngunit ako ay hinahadlangan hanggang ngayon. Ninais ko ito upang sa ganoon ay magkaroon ng ilang bunga sa inyo tulad din ng ibang mga Gentil.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14May utang ako sa mga Griyego at sa mga dayuhan, sa mga marurunong at sa mga mangmang.
Cross References
Isaiah 27:6Sa darating na araw, lalalim ang ugat ni Jacob; at ang Israel ay mamumulaklak at uusbong; at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng lupa.”
John 12:24Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay nanatili sa kaniyang sarili na mag-isa, ngunit kung ito ay mamatay, magbubunga ito ng napakarami.
Acts 14:27Nang dumating sila sa Antioquia at sama-samang tinipon ang kapulungan, ibinalita nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil.
Acts 16:6Tumungo si Pablo at ang kaniyang mga kasama sa mga lupain ng Frigia at Galacia, dahil hindi pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral sila ng salita ng Diyos sa probinsiya ng Asia.
Acts 21:19Nang batiin niya sila, isa-isang ibinalita ni Pablo ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministeryo.
Romans 15:18Sapagkat hindi ako mangangahas na magsalita ng kahit na ano maliban sa mga bagay na ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko para sa pagsunod ng mga Gentil. Ito ay mga bagay ng ginawa sa pamamagitan ng salita at gawa,