Romans 1:20
Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 21:33Nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisko sa Beer-seba. Doon sinamba niya si Yahweh, ang Diyos na walang hanggan.
Deuteronomy 33:27Ang walang hanggang Diyos ay isang kublihan para sa kaniyang mga tao, at sa ilalim ay ang walang hanggang mga braso. Itutulak niya palabas ang kaaway mula sa harapan ninyo, at sasabihin niya, “Wasakin!”
Psalms 8:3Kapag tumitingin ako sa iyong mga kalangitan, na ginawa ng iyong mga daliri, ang buwan at mga tala, na nilagay mo sa lugar,
Psalms 33:6Sa pamamagitan ng salita ni Yahweh ang mga langit ay nalikha, at ang lahat ng mga bituin ay nagawa sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig.
Psalms 104:5Inilagay niya ang mga pundasyon ng daigdig, at hindi ito kailanman matitinag.
Psalms 119:90Mananatili ang katapatan mo sa lahat ng salinlahi; itinatag mo ang mundo, at ito ay mananatili.