Romans 11:20
Totoo iyan. Dahil sa kanilang hindi pagsampalataya, pinutol sila, ngunit ikaw ay naging matatag dahil sa iyong pananampalataya. Huwag kang magmalaki, ngunit matakot ka.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
19Kung gayon, sasabihin mo, “Pinutol ang mga sanga upang maidugtong ako.”
21Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang likas na mga sanga, hindi ka rin niya patatawarin.
Cross References
2 Chronicles 20:20Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumising na sila at lumabas patungo sa disyerto ng Tekoa. Sa kanilang pag-alis, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, “Makinig kayo sa akin, Juda, at kayo na mga naninirahan sa Jeruslaem! Magtiwala kayo kay Yahweh, ang inyong Diyos, at kayo ay tutulungan. Magtiwala kayo sa kaniyang mga propeta, at kayo ay magtatagumpay.”
Proverbs 28:14Masaya ang isa na laging namumuhay na may paggalang, ngunit ang sinumang nagmamatigas ng kaniyang puso ay babagsak sa kaguluhan.
Isaiah 2:11Ibababa ang mapagmataas na titig ng mga tao, ibabagsak ang kahambugan ng mga tao at si Yawheh lang ang itataas sa araw na iyon.
Isaiah 7:9Ang kabisera ng Efraim ay Samaria, at ang pinuno ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung hindi kayo magpapakatatag, tiyak na hindi kayo mananatiling ligtas.”
Habakkuk 2:4Tingnan ninyo! Ang tao na siyang naghahangad nang higit para sa kaniyang sarili nang hindi matuwid, ay isang hambog. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya!
Luke 18:14Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito sa kaniyang bahay na napawalang-sala kaysa sa isa, dahil maibababa ang bawat taong nagmamataas ng kaniyang sarili at maitataas ang bawat taong nagpapakababa ng kaniyang sarili.”