Romans 11:22
Tingnan ninyo kung gayon, ang mga mabubuting gawa at ang kabagsikan ng Diyos. Sa isang dako, ang kalupitan ay dumating sa mga Judio na bumagsak. Ngunit sa kabilang dako, ang kabutihan ng Diyos ay dumarating sa inyo, kung magpapatuloy kayo sa kaniyang kabutihan. Kung hindi, mapuputol din kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang likas na mga sanga, hindi ka rin niya patatawarin.
Cross References
Deuteronomy 32:39Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.
Psalms 58:10Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos; huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama,
Psalms 136:15pero ipinatapon ang Paraon at ang kaniyang hukbo sa dagat na Pula, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Ezekiel 3:20At kung tatalikod ang isang matuwid na tao mula sa kaniyang pagiging matuwid at gumawa ng hindi makaturungan, maglalagay ako ng batong katitisuran sa kaniyang harapan, at mamamatay siya, dahil hindi mo siya binigyan ng babala. Mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, at hindi ko aalalahanin ang kaniyang mabuting mga gawa na kaniyang ginawa, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
Ezekiel 33:17Ngunit sinasabi ng iyong mga tao, “Hindi patas ang kaparaanan ng Panginoon!” ngunit ang inyong mga kaparaanan ang hindi patas!
Luke 8:15Ngunit ang mga butil na nahulog sa mabuting lupa, ito ay ang mga tao na may tapat at mabuting puso, pagkatapos nilang marinig ang salita, ito ay kanilang pinanghawakan nang mabuti at nagbunga nang may pagtitiyaga.