Romans 11:28
Sa isang dako, patungkol sa ebanghelyo, sila ay kinamuhian dahil sa inyo. Sa kabilang dako ayon naman sa pagpili ng Diyos, sila ay minamahal dahil sa mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
27At ito ang magiging kasunduan ko sa kanila, kapag tinanggal ko ang kanilang mga kasalanan.”
29Sapagkat ang mga kaloob at ang tawag ng Diyos ay hindi mababago.
Cross References
Genesis 28:14Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain.
Deuteronomy 4:31Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang maawaing Diyos; hindi niya kayo bibiguin ni wawasakin, ni hindi kakalimutan ang tipan ng inyong mga ama na ipinangako niya sa kanila.
Deuteronomy 8:18Pero isa-isip ninyo si Yahweh na inyong Diyos, dahil siya ang nagbibigay sa inyo ng kapangyarihan para makakuha ng kayamanan; para maitatag ang kaniyang tipan na kaniyang pinangako sa inyong mga ama, gaya sa araw na ito.
Deuteronomy 10:15Si Yahweh lamang ang nasiyahan sa inyong mga ama para ibigin sila, at pinili niya kayo, na kanilang mga kaapu-apuhan, na kasunod nila, kaysas sa sa ibang mga tao, gaya ng ginagawa niya ngayon.
Isaiah 41:8Pero kayo, Israel, na aking lingkod, Jacob na siyang aking pinili, ang anak ni Abraham na aking kaibigan,
Micah 7:20Ibibigay mo ang katotohanan kay Jacob at ang kasunduan ng katapatan kay Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno noong unang mga araw.