Romans 12:20
“Ngunit kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya. Kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom. Sapagkat kung gagawin mo ito, nagtatambak ka ng mga baga ng apoy sa kaniyang ulo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Huwag kang magpadaig sa kasamaan, ngunit daigin mo ng mabuti ang kasamaan.
Cross References
1 Samuel 24:16Nang matapos sabihin ni David ang mga salitang ito kay Saul, Sinabi ni Saul, “Boses mo ba ito, David, aking anak?” Nagtaas ng kanyang boses si Saul at umiyak.
2 Kings 6:22Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Papatayin mo ba silang mga kinuha mong bihag gamit ang espada at pana mo? Maghain ka ng tinapay at tubig sa kanila para makakain at makainom sila at makapunta sa kanilang panginoon.”
Psalms 140:10Hayaan mong bumagsak ang nagbabagang mga uling sa kanila; itapon mo sila sa apoy, sa napakalalim na hukay, na hindi na kailanman makakabangon.
Song of Solomon 8:6Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy.
Luke 6:27Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.