Romans 13:11
Dahil dito, nalalaman niyo ang oras, na ito na ang oras upang kayo ay magising mula sa inyong pagkakatulog. Sapagkat ngayon, ang ating kaligtasan ay mas malapit na kaysa noong una tayong nanampalataya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 21:11Isang kapahayagan tungkol sa Duma. Ang tumatawag sa akin mula sa Seir, “Bantay, ano na lang ang natira sa gabi? Bantay, ano na lang ang natira sa gabi?”
Matthew 16:3At sasabihin ninyo sa umaga, 'Hindi magiging maganda ang panahon ngayon, sapagkat ang langit ay pula at maulap.' Alam ninyo kung paano bigyan ng kahulugan ang anyo ng langit, ngunit hindi ninyo kayang bigyang kahulugan ang mga palatandaan ng mga panahon.
Matthew 25:5Ngayon habang naantala ang lalaking ikakasal, lahat sila ay inantok at nakatulog.
Mark 13:35Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga.
1 Corinthians 7:29Ngunit ito ang aking sinasabi mga kapatid na lalaki at babae: Maiksi na ang panahon. Mula ngayon, ang sinumang may asawang babae ay mamuhay na parang walang asawa.
1 Corinthians 15:34Magpakahinahon kayo! Mamuhay ng matuwid! Huwag ng magpatuloy na magkasala. Sapagkat ang ilan sa inyo ay walang kaalaman sa Diyos. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo.