The Bible Software
bible.software › Mga Taga-Roma › Mga Taga-Roma 16 › Mga Taga-Roma 16:18

Mga Taga-Roma 16:18

Sapagkat ang mga taong tulad nito ay hindi naglilingkod sa ating Panginoong Cristo, kundi ang sarili nilang hangarin. Sa pamamagitan ng kanilang kaaya-aya at mga kalugod-lugod na pananalita nililinlang nila ang mga puso ng mga walang malay.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

For they that are such serve not our Lord Jesus Christ, but their own belly; and by good words and fair speeches deceive the hearts of the simple.

In Context

17Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, na isipin ninyo ang mga taong nagiging dahilan ng pagkababaha-bahagi at pagkakatisod. Lumalagpas sila sa mga turong inyong napag-aralan. Talikuran ninyo sila.

19Sapagkat ang inyong halimbawa ng pagsunod ay umabot na sa lahat. Kaya nagagalak ako sa inyo, ngunit gusto kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at walang kamalayan sa kasamaan.

Read all of Mga Taga-Roma 16

Cross References

1 Samuel 2:29Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?'

2 Chronicles 18:12Ang mensahero na pumunta upang tawagin si Micaias ay nagsalita sa kaniya, sinasabi, “Ngayon tingnan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng mabubuting bagay sa hari na iisa ang sinasabi. Pakiusap hayaan mong ang iyong salita ay maging tulad ng salita ng isa sa kanila at sabihin mo ang mabubuting bagay.”

Psalms 119:130Ang paglalahad ng mga salita mo ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ito ng pang-unawa sa mga hindi naturuan.

Proverbs 14:15Ang hindi naturuan ay naniniwala sa lahat ng bagay, ngunit ang taong maingat, iniisip ang kaniyang mga hakbang.

Isaiah 30:10Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;

Jeremiah 8:10Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)聖書 (日本語)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)

Study Mga Taga-Roma 16:18

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeAlbert BarnesJohn WesleyJohn CalvinScofieldWilliam BurkittFamily Bible NotesJohn LightfootGeneva Bible Notes (1599)
← Mga Taga-Roma 16:17Mga Taga-Roma 16Mga Taga-Roma 16:19 →